Showing posts with label Buwan ng Wika 2012. Show all posts
Showing posts with label Buwan ng Wika 2012. Show all posts

Saturday, September 1, 2012

BUWAN ng WIKANG PAMBANSA 2012

Buwan ng Wikang Pambansa 2012

Paksang Diwa: "TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO"




DEPINISYON NG FILIPINO:  Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga tenikong grupo.  Katulad ng iba pang wikang buhay, ang FILIPINO ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.--RESOLUSYONG BLG. 96-1, Nilagdaan Agosto 28, 1996.


Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto sa paaralan ng aking dalawang anak nagkaroon ng isang pagtatanghal na inumpisahan ng tagisan ng galing sa pagkanta ng "ISANG LAHI", ito ay nilahukan ng mga batang mag-aaral sa iba't-ibang baitang.  Kinder1 laban sa Kinder2, Grade 1 laban sa Grade 2, Grade 3 laban sa Grade 4 at Grade 5 laban sa Grade 6.




Sunod na kategorya ay ang INTERPRETATIVE DANCE ng "BAYAN KO". Parehong paglalabanan ng iba't-ibang baitang.  

Sa aking pinakitang larawan ito ay nilahukan ng pangkat ng mga kalalakihan galing sa seksyun ng Chico.  Seksyun na aking anak na si Chelsea.






Sunod na Kategorya ay Sabayang Pagbigkas, ang tagisan ng galing sa pagtutula ng iba't ibang baitang.

Sa larawan ay ang mga napiling estudyante ng Grade 4-Chico kasama na ang aking anak na si Chelsea.





Sunod na kategorya ay ang tagisan ng galing sa pagsasayaw, NEO-ETHNIC DANCE, dito ay naging magka tunggali ang dalawa kung anak.

Grade 4-Chico sa musika na ESTUDYANTE BLUES ni Freddie Aguilar




Naging matagumpay ang pagtatapos ng Buwan ng Wikang Pambansa ng Cesareo Villa-Abrille.  Ang mga bata ay masayang nagpamalas ng kanilang galing at talino sa pag-awit, tula at pagsayaw.

Pero ang tanong ko lamang alam ba nila kung bakit natin ipinagdiriwang ang BUWAN NG WIKA?  Sa konteksto ng promosyon ng wikang dayuhan sa Pilipinas, ang Proklamasyon Bilang 1041 o ang Taunang Pagpapahayag ng BUWAN NG WIKANG PAMBANSA sa buwan ng Agosto 1-31, ay nagsilbi na lamang na isang paalala or pagunita na meron pa tayong sariling wika na dapat ipagmalaki kahit na sa mga sitwasyun na makikita natin na mas lalo na nating tinututukan  ang pag gamit ng wikang dayuhan.

Huwag na po tayong mabibigla kung may mga Pilipino na hindi na marunong magsalita ng Filipino, or sumulat man sa salitang FILIPINO.  Naging sandigan na nila ang wikang dayuhan na kung saan kung ang Pilipino magsasalita man sa dayuhang pamamaraan at mali-mali ito ay ating pinagtatawanan. Nakondisyon na ang ating ulo na pag dayuhang pananalita ay kaanya-anyaya pakinggan at  matalino.  Pag ganito na ang takbo na ating wikang kasarinlan malimit ito ay mawala na lamang sa isip ng ating mga bagong henerasyon.  Marapat din lamang na kahit papano ay ating bigyang pansin ang ating WIKANG FILIPINO.

CHELSEA and MIKAELA suot ang Neo-ETNIKONG PANDAMIT


    
 

CHILD'S PLAY Template by Ipietoon Cute Blog Design